Hay nako. Ang hirap talaga ng walang trabaho. Hindi pa nakatulong sa sitwasyon ko na nadukutan ako ng cellphone sa LRT nung nakaraang Linggo. Tae naman. Well, ano naman ako, sineswete? Kailangan ko ring maranasan na mabiktima ng petty crime dito sa Pilipinas. Natural lang yata na mangyari yon kahit kanino. Syempre, hindi pa rin nakakagaang ng loob yun. Pero wala na naman akong magagawa, tapos na yun.
Bakit ayaw sa akin ng trabaho? Oo, alam kong nakakaraket naman ako dyan sa tabi-tabi, pero iba pa rin yung meron kang regular paycheck tuwing quincenas, di ba? Madami akong pangarap sa buhay, at higit sa kalahati ng mga yon, kailangan ng pera para matupad. Syempre meron namang iba na hindi masusukat ng pera, pero bukod na yung mga 'yon sa usapang 'to. At paano naman ako magkakapera kung wala naman akong trabaho? Asa pa akong susustentuhan pa ako ng mga magulang ko. Swerte pa 'ata ako na hindi pa nila ako pinapalayas sa bahay.
Magaling naman ako. Base sa kalidad ng mga nababasa kong gawa ng mga ibang writer dyan, alam kong kaya kong gumawa ng mas maganda kaysa kanila, pwera pagyayabang ha. Oo nga, hindi exemplary ang mga grado ko, pero dahil lang naman yun sa hindi ko hinayaan ang sarili kong maging grade-conscious. 'Langya, nagsawa na ako dun nung haiskul pa lang ako. Tama na para sa akin yun. Sa dinami-dami ng inaplayan ko, isa lang ang tumawag. Pinagexsam ako. Hanggang ngayon hindi pa rin tumatawag. Siguro safe nang isipin na hindi na nila ako kino-consider for employment. Yung ibang pinag-subbmitan ko ng resume sa internet, hanggang ngayon, hindi pa rin binabasa. Hay.
Meron ang sinasabi sa aking ang Diyos? Galit ba sya sa akin?
Sorry na Po, kung may nagawa akong kasalanan. Sana Po, bigyan Nyo na Po ako ng trabaho. Pramis, susubukan ko Pong lalong magpakabait.
Pramis.
Nakakasawa na ang walang pera.

Comments