Going through my crappy stock of finished and unfinished written stuff, looking for something decent to put down here, I came across this. It's in Filipino, which I am not particularly good at, so you'll (yes you, my dear imaginary reader) have to excuse its shabbiness; besides the fact that I wrote this waaaaaaayyy back in high school for a Filipino class. Its also quite long, so to whomever finds the time to finish it all, thanks very much. ^__^
=============
5:00 ng umaga.
Ginising ako ng malakas na yugyug ng kapatid ko.
“Kuya, gising na!”
Ako naman, sariwa pa sa aking mahimbing na tulog, ay naguuunat pa at humikab bago tuluyang bumangon. Dumiretso agad ako sa hapag kainan kung saan sinalubong ako ng isang mesang walang laman.
“Wala pa bang pagkain dyan?” tanong ko.
“Obyus ba?” ang inis na sagot sa akin.
“E, mahuhuli na ako sa klase eh.”
“Edi ikaw ang magluto ng sarili mong pagkain.”
Ano ba namang buhay yan! Nagtatanong lang ako kung may pagkain na, ayun, nagalit agad. Ayaw ko lang namang mahuli.
“Pwede na ba muna akong maligo?” tanong ko uli.
“Hindi.” Ang mabilis na tugon. “Kumain ka muna.”
“E wala pa ngang kakainin eh.”
“Basta. Kain muna bago ligo.”
Hinintay ko ang pagkain ng sampu pang minuto. Mabilis ko itong inubos at naligo pagkatapos, nagsepilyo, nagbihis, at nagpaalam sa aking mga magulang bago tuluyang umalis sa bahay namin.
Pagdating ko sa eskwelahan, nakabantay (as always) ang mga sikyo na walang kwenta.
“Boy, ID mo?” ang tanong sa akin.
“Eto po.” At ipapakita ko ang ID kong nakasabit sa loob ng breast pocket ko.
“Marunong ka bang magsuot ng ID?”
Eto nanaman. Sinigaan ako ng guard. Porke may hawak na yantok at may bakup pang baril ay lahat ng pwedeng sitahin ay ginagago. Cool ka lang, sabi ko sa sarili ko. No match to sa akin.
“Opo. Eto nga, nasuot sa akin.”
“Akin na yang ID mo.”
“Bakit po?”
“Hindi nakasuot ng maayos,” sabay kuha sa ID ko.
Kinapitan ko ng mahigpit ang ID ko.
“Paano mo ngayong nalaman na hindi maayos ang suot kong ID? Saan nakalagay sa rules and regulations ng eskwelahang ito na bawal ang maglagay ng ID sa bulsa? Ang sinabi ng principal, pin your ID’s. Nakapin naman ang ID ko a! Kahit nasa loob ng bulsa, naka pin pa rin.”
Napikon na ang sikyo. Tumaas na ang tono ng pananalita.
“Sinabi kong akin na yang ID mo e. Baka gusto mong ma – guidance ka!”
Dumadami na ang mga taong nanonood sa aming pagtatalo.
“Tara, punta tayong guidance at tingnan natin kung sinong tama sa ating dalawa,” hamon ko.
“Ano ba ang gusto mong magyari, ha? Akala mo di – kita papatulan?” Napansin kong pulang – pula na ang mukha nya.
Akmang uumbagan na ako ng guard ng biglang dumating ang kanyang OIC na may bitbit na mga papeles.
“Ano bang gulo ito?”
Ako ang naunang sumagot.
“Ser, ito po kasing tauhan nyo e. Kinukuha po ang ID ko porke nakasuot sa loob ng bulsa ko.”
“Ganoon ba?” tanong ng matandang OIC.
“Opo ser.”
“Sige, pumasok ka na.”
“Salamat po.”
Ayan, buti nga sa ‘yo. Kala mo a! Tuloy nasermunan ka pa yata sa harap ng maraming tao. Pahiya ka no? Habang naglalakad ako papuntang DOST, tumingin ako sa mga taong malapit sa guard. Mga nagtatawanan sa pagkakapahiya ng sikyo. Mga may galit siguro kay balot. Pagkapasok ko sa silid aralan, binati ako ng nakangiting mukha ng maganda kong katabi. “Ha! Late ka nanaman! Isang huli na lang, ipatatawag na ang magulang mo.” Sabay tawa ng malakas.
Sa loob-loob ko, inis na inis na ako. Biro mo ba naman, nagmamadali akong makaalis ng bahay, pero nahuli pa rin ako! Shet taga tong buhay na ‘to oo!
Tumingin ako sa orasan para malaman kung ilang oras ako nahuli. 6:35 pa lang. Ano! Limang minuto lang ako nahuli, kailangan ko nag magpapirma ng excuse letter kay Sir Ore. Buwiset talaga itong titser ko sa Physics. Pero ganyan talaga ang buhay. Kailangan mong magtiis. Naku, kung hindi ko lang titser to e matagal ko na itong …di bale na lang. Technicaly speaking, present ako. Ano ba naman ang limang minuto. Bakit kaya ng mga guro, kapag sila ang mahuhuli, walang papirma - pirma sa guidance counselor. Walang pata - patawag ng magulang kapag talong beses sa isang linggo sila na - late. Porke ba tiser sila ay wala na silang pananagutan kapag nagkamali sila at kami ay meron dahil estudyante kami? ‘Lang ya talaga.
“Ok class, we will watch a film today about simple machines. Be sure to take down notes because after the film I will give you your quiz number five.”
Tangina naman. Akala ko e magtuturo na, yun pala si Dr. Zemaida Domingo nanaman ang maglelecture. Uli. Bilib talaga ako dun sa titser na yon. Hindi nagsasawa sa katuturo e halos lahat ng klase ay wala sa kanya ang atensyon. May mga gumagawa ng takdang aralin, may naglalaro o nagdro-drowing ng kung ano, at mayroon namang mga pasimpleng naglalambingan sa likod ng kwarto. Sa bagay, nasa TV naman siya kaya wala siyang pakialam kung nakikinig ang mga nanonood at kung gaano siya ka – boring magturo.
Hulaan mo kung nasaan ang magaling naming guro, ayun, nakikipag uusap sa mga co-teacher nya at nagpapahinga sa loob ng stockroom. Kapag narinig na niyang tapos na ang “pelikula” ay saka lalabas at magbibigay ng pagkahiraphirap na pagsusulit na halos lahat ng tanong ay hindi mo malaman ang isasagot kasi wala sa plabas kahit isandaang beses mong ulit – ulitin. Kahit siguro si Dr. Zenaida Domingo ay hindi kayang sagutin ang mga tanong na binibigay niya.
7:50 ng umaga.
Computer na, pero salamat sa administrasyon, nabawasan ang oras ng asignaturang ito at naging isang oras na lang. (Sa wakas nakagawa din ng maganda) Eto nanaman ang sadistang guro.
“Hoy section one, sinabi nang huwag kayong magtuturo! Aba, sinabi ko na na iba na ang titser nyo sa computer, hindi nyo ako nakakaya-kaya tulad ng titser nyo last year.”
“Hoy, mister Ramos, ano yang ginagawa mo dyan? Tapos ka na ba mag-print?”
Gago talaga. Nananahimik na nga ako dito e pinansin nanaman ako.
“Tapos na po kanina pa.”
“Bakit ka naglalaro?”
“E ma’am, sabi nyo po, pwede na po akong gumamit ng CD, basta yung pong mga nandyan sa lalagyan nyo. Nakita ko po ito doon sa CD rack nyo.”
“Bakit, sinabi ko bang pwede kang maglaro?”
“Ma’am, wala rin po kayong sinabing bawal. Nakita ko po ito sa lalagyan nyo tapos ginamit ko. Sabi nyo po pwede. Nagpaalam po ako sa inyo tapos pumayag kayo.”
Natagalan bago nakasagot ang gaga.
“Akin na nga yang CD.”
Binigay ko ang hinihingi nya at tumalikod ako. Lihim akong napangiti. Akala mo hindi kita kaya ha? Anong palagay mo sa akin, bobo? Hindi mo ako kayang sindakin.
Natigil ang paglilitanya ko nang biglang pumasok sa kwarto ang evil twin ng titser namin sa Computer. Yung atribidang galing sa kabilang kwarto. At eto naman si Mrs. Tsismosa, daldal ng daldal sa kanyang kumare kesyo walang galang daw ang section one at dapat daw ay ilipat sa section kopong-kopong sa sama ng ugali. ‘Kala mo diyos siya. At ito namang tuwang – tuwang guro sa kabilang kwarto, nanggatong pa.
“Aba, talagang walang modo ang mga pilot sections ngayon. They do not know how to respect authority. Siguro, hindi tinuturuan ng mga magulang nila yan.”
“Talaga. Mga natural yatang bastos ang mga yan.”
E putang ina mo pala e. Paingles – ingles pa, nilait pa ang magulang namin. Kow, kung hindi ko lang alam, nagpupuputok ang butse mo dahil napahiya ka ng isang estudyante. Baka na – threaten ang superiority mo sa klase. Hindi ba matanggap ng pride mo na natalo ka ng isang hamak na estudyante, tsk, tsk, kawawa ka naman. Nasira ang ego mo.
Sa wakas, break time na. Bagamat marami-rami ang nakain ko kaninang almusal, gutom nanaman ako. Lumabas ako para bumuli ng banana cue at gulaman na kulay lumot. Pasensya na kayo dahil poor lang ako. Hindi kaya ng badyet ko na bumili ng pagkaing Jolibee o McDo. Di uso sa mundo ko yun. Pareho lang naman ako ng mabubusog sa dalawa, edi doon na lang ako sa mas mura, masarap pa.
Tuwing bibili ako ng pagkain sa labas ng iskul ay napapansin ko na bigla akong pumopogi. Pogi, bili kang saging, bagong luto, pogi, bili kang mani, masarap, pogi, bili ka naman ng gulaman, masarap ‘to, malamig… Makapal ang mukha lang siguro ang madadala sa ganitong pambobola. Sabagay, kasama rin sa sales talk ang pambobola.
9:25 ng umaga.
Values time na. Kailangan nanamang mag–recite ng Matthew 5: 3-10. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ko kailanagang kabisaduhin to. Tatanungin ba ako ng boss ko sa trabaho kung alam ko ang Matthew 5: 3-10? Bakit ko kailangang kabisaduhin ito samantalang nakasulat naman to sa lahat ng Bibliya? Kung basahin ko na lang kaya imbes na isaulo?
Itong Values talaga, hindi values ang tinituro, kundi puro bola. Por eksampol, may tanong sa pagsusulit, “Kung makakita ka ng dalawang estudyanteng nagsusuntukan, ano ang gagawin mo?” Syempre, ang tamang sagot ay aawatin mo sila. Pero maling–mali 'yon. Bakit ko aawatin yon, e wala naman akong kinalaman doon? Baka ako pa ang pagtulungan nung dalawa. Iba na kasi ang mundo ngayon. Kaya dapat makibagay tayo sa takbo ng lipunan para mabuhay. Hindi sa sinasabi kong maging kunsintidor tayo ng mga maling gawain, pero ano ba naman yung magpapabugbog ka para mang – awat lang ng dalawang taong nagaaway na hindi ka naman inaano?
Ang kaso kasi, ang pinakikibagayan mo ay yung tama sa paningin ng gumagawa ng test, hindi yung talagang tama. Ano yung gurong gumagawa ng mga tanong, Kristo? Perpektong tao? Matatawag mo bang values ang pagsunod sa mali?
10:05 ng umaga.
Oras na para sa isa sa pinakamasayang period sa maghapon. Ang Social Studies.
“Brother Rod, gawin mo na ang dapat mong gawin.”
“Classmates, are you ready to pray?”
“Yes we are.”
“Sa ngalan ng ama, ng anak, ng ispirito santo, Dear Lord, now that we are in school today, help us make our lessons well, make us good and polite students and give us always attention, amen. Sa ngalan ng ama, ng anak, ng ispirito santo, amen.”
“Magandang morning everybody!”
“Magandang morning din po, at mabuhay, Ginang Manlapit!”
“Magsiupo na kayo.”
“Thank you ma’am.”
“Ok, anong balita sa barangay?”
Walang sasagot.
“Walang balita? Ang boring naman ng mga buhay nyoh! Ok, since wala tayong balita, reporters, entertain us.”
Ayos talaga tong subject na to. Hindi ka talaga aantukin. Pwera na lang kung talagang hindi ka natulog magdamag. Hindi katulad ng Math, na siyang susunod na period, na kahit gaano karaming Red Bull o Lipovitan ang inumin mo e tagang aantukin ka sa nagtuturo. Ang sama pa, bukod sa boring magturo si sir, may taglay pa siyang “pabango” na lalong nagpapaantok sa akin. Hay nako, ang hirap talagang maupo sa harapan. Lahat naaamoy mo, lalo na yung titser. Kung bakit pa kasi kailangang umupo ni Nyl sa unahan…
Panagalawang recess na namin. Diretso kaming magkakabarkada sa canteen para mananghalian. Pagdating pa doon ay super – haba ng pila kaya kahit mami lang o kanin ang bibilhin mo ay matagal-tagal din bago ka makakain. Ang sama pa ‘nun ay may mga titser pang sumisingit sa pila. Ang sarap talagang sikmurahan ng mga ganoong tao. Etong mga estudyante, nagtiya-tiyagang pumila, pero sila, pwedeng sumingit. Kung kami kaya ang sumingit sa kanila ay baka kung anong sermon na ang inabot namin.
Bakit ba palagi nalang excempted ang mga guro sa mga alituntunin at tamang asal? Ewan ko ba. Parang nabubuhay na ako sa isang mundo ng mga ipokrito. Magtuturo ng kung anu-anong tamang asal sa mga bata sa loob ng silid aralan pero pag labas e kahit pagpila lang ay hindi pa yata marunong.
“Miss, mami nga.”
Sabay singit ng titser.
“Excuse me, isang manok nga, saka isang kanin.”
Tanginang ‘to, pa excuse – excuse ka pa, e kung batukan kaya kita dyan. Nauna na ako sa’yo, tapos mami na nga lang ang order ko, hindi ka pa nakapaghintay? Masunog sana ang bahay nyo nang nasa loob ka.
Pagpasok ko sa kwarto ay nandoon na ang mga classmates ko na nakhanay. Singit na lang ako sa likod.
“Section one, asaan ang combat shoes nyo, ang overseas cap nyo, ang white gloves nyo? Ano ba naman yan, five months na tayo magkakasama ay wala parin kayong complete uniform. Hindi ko na nga kayo pinag type A.”
Blah, blah, blah, blah, blah, blah, blah, daldal, daldal, daldal, at daldal pa, hanggang sa mag time na at wala na kaming napagaralan. Paano, naubos ang oras sa ka- sesermon.
11:25 ng umaga pa rin.
Si Ma’am Macaraig na. Ayos, kahit papaano, matututo na rin ako. At least itong subject na ito, may kwenta. Kailangan sa buhay. Parang Filipino. Nagagamit, kahit papaano nga. Napapakinabangan. Hindi katulad ng CAT. Anong gagawin ko sa mga pasulong kad nyo? Anong palagay mo sa akin, sanggol na hindi marunong maglakad? I can walk, thank you. Hindi ko magagamit sa totoong giyera yang pabalik kad at masinsing pagitan tungtong kanan nyo. Sige, bigyan mo ako ng baril at tingnan ko kung bubuhayin ka ng pasulong kad mo kapag binaril kita.
1:45 ng hapon.
“Oy Tim, tara na, En. Math na tayo.” Yaya ni Dave.
Eto nanaman si tortoise genie. Makakatulog nanaman ako ng 40 minutos. Wala nanaman akong matututunan. Hay nako. Ano ang gusto mong gawin ko? Hindi ko naman kayang pilitin ang sarili kong magising sa kanya at sa tipo ng pagtuturo niya.
2:25.
Research. A ito, madali lang ‘to, basta makikinig ka lang at kokopya ng mga sinusulat ni ma’am sa board. Karaniwan sandali lang ito, dahil madalas mag overtime si sir.
3:05.
Journalism na.
“Temoti, mag research ka nga kay Ausi Taulava tapos mag submit ka na ng column para sa Rizalian.”
“Opo.”
“Ed G, tulungan mo si Temoti na mag research ha?”
“Opo, ser.”
“Gusto kong maging handa tayo para sa Press Conference, which will be on October 27. I want you to prepare and read many newspaper articles.”
“Yes sir.” Sagot namin.
3:45.
Haayy salamat. Last subject na. Advanced Chemistry na. Makakauwi na ako. Hintay lang ng 40 minutes at makakalayas na rin ako sa eskwelahang ito.
4:25
Uwian naaaaaaaaa!!!!!!!!
Sa wakas, makakapag laro na ako ng Starcraft sa Mars.
“Kuya Ed, one hour nga, Starcraft.”
“Ilan ba kayo?”
“O Erick, sasali ka ba?”
“Oo ba! Sino ang kalaban?”
“Hindi ko kakilala eh. Cha-challenge daw sila.”
“Tara, ako na ang gagawa ng map.”
“Sige. Walng blitz, ha?”
“Sige.”
“Game na! Oy Erick, tulungan mo ako ha?”
“Oo ba.”
Tulad ng dati, panalo kami. Ano ba naman yan, hindi nyo na kami natalo sa Starcraft. Two on three na nga e, talo pa rin kayo.
Kadalsan ay nakakauwi na ako ng alas syete ng gabi. Magbibihis ako, kakain at mag-gigitara ng kaunti at magsespilyo.
10:00 NG.
Habang ako’y nakahiga, babalik – balikan ko ang mga pangyayari sa buong araw hanggang sa tuluyan na akong matutulog para magising uli sa isang parehong araw, parehong tao, pareho lahat.
Putanginang buhay ‘to.

Comments
HAHAHAHA!
It's close to midnight. I decided to reward myself for my hardwork (Ha! I beat my deadline by the skin of my teeth!) and blog-hop. Glad I didn't let the length of this entry dissuade me. This is really great! You had me laughing like a looney--habang mag-isa na lang ako sa opisina kasama ang mga Casper.
Anyway, yun lang. Nais ko lamang sabihin na pinasaya ako ng sinulat mong ito, Temoti. Hahahahaha!